Winning entries could not be determined in this language pair.There was 1 entry submitted in this pair during the submission phase. Not enough entries were submitted for this pair to advance to the finals round, and it was therefore not possible to determine a winner.Competition in this pair is now closed. |
Kamakailan lamang ay lumalaganap ang isang idea sa piling ng ilang nangungunang bahay-kalakal at kumpanyang Amerikano: na mula sa ngayon ay dapat lamang magtanghal ng mga talakayan, pagpupulong at paghaharap sa trabaho sa tanging paraan ng mga “topless meeting”. Ikagagalit ng ilan, at marami pang magtatanong kung nagtutukoy ito ng isang nakakabigla at mahalay na kaugalian sa pangangalakal ng mga Amerikano. Di yata't ngayon ay magpupulong-pulong tayo nang walang...? Mawawaksi itong haka sa kaalaman tungkol sa pagkapormal ng paraan ng pagnenegosyo ng mga Amerikano. Hindi, sa hinaharap ay hindi magpupulong nang walang kamisadentro, kundi walang “laptop”. Dahil ang mga ito at iba pang maihahambing na kagamitan, tulad ng iPhone, Sidekick at Blackberry, ay nakakasira sa kultura ng pakikitungong nangingibabaw sa mga ganitong pagpupulong – na kung wala man ang mga ito ay hindi pa rin ganap na mahusay. Habang may usapan ay sabik ang pagsisiyasat sa mga e-mail, palalahok sa mga chat, SMS, laro at blog. Ang mata ay nakapako sa tabing at ang isipan ay tiyak na lumiban na rin mula sa pook kung saan dapat naroroon – sa madaling salita, sa pagpupulong. Dahil dito ay naiisip na ng ilan, lalong-lalo na ng mga bahay-kalakal na umaasa sa internet, na bawalan sa pagpupulong ang paggamit ng mga teknolohiyang walang kawad sa kanilang mga kagawad. Sa ganitong paraan ay inaasahan ng mga tagapanukala ng ideang “topless” hindi lamang lumaban sa mga palatandaan ng pagbabahagi ng pansin, pagkawala ng konsentrasyon at, dahil dito, ang natitiyak na pagbaba ng mga kinalabasang dapat ibunga ng mga pagpulong. Sa pamamagitan ng inutos na pangingilin, inaasahan din nilang patibayin ang bahaging sosyal na kapuna-punang nagdurusa dahilan sa pagpapalaganap ng mga serbisyong online. Sa wakas, ito ay suliranin ng pagkulang sa pagpapahalaga, kapag naghanda ang isa upang makipag-usap sa iba habang ang mga ito ay naghahanap ng mga sine at pinakabagong presyo ng pamilihan sa Google. Ganito ang kabuuran ng isang pagtatalakay na ibinunyag noong nakaraang taon sa isang blog na masagisag na pinamagatang “My personal war against Crackberry”. Ayon sa manunulat na si Todd Wilkens, pinuno ng isang ahensya ng disenyo sa San Francisco, mahirap isagawa nang mahusay ang isang mabisang pagpupulong sa trabaho kapag ang mga lumalahok ay bahagi lamang nandoon. “Ang nababahaging pansin ay nagbubunga ng nababahaging kinalabasan”, ika ni Wilkens, at gayon pa man ay ibinuod niya ang nilalaman ng pilosopiyang “topless” sa isang maikling gabay ng mabuting-asal sa pagpupulong. Ang pangalawang tuntunin: dapat kang makasuyaan sa ngalan ng antas ng kinalabasan, at dapat mong sapilitang tanggalin ang mga laruang-bitbitin ng iba. Subalit kahit na magmaktol ang mga pusakal sa internet, lihim ding silang nagpapasalamat na mapalaya sa kanilang pagkagumon nang dalawang oras. | Entry #8963
|